• 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 30th May
    2012
  • 30
  • 26th May
    2012
  • 26
  • 24th May
    2012
  • 24

Seminar

Part 2 Page 2    :)

Eto na! Part two na. Kung yung isa sa libro ni Ka Ed, eto naman ay yung mas marami talaga akong natutunan at first time na nalaman. Punong puno ito ng information at dito ko nalaman kung bakit at para san natin ginagawa itong mga bagay na’to. mga Explanations. Si ate na nalimutan ko ang Name Sorry ang nagturo samen. Prof. sya sa UPLB, 5 yrs na sya dun pero retired na. Pero nagtuturo pa ren sya pag may seminar ng binyag sa Canlubang. Yun naman pala. K! Enjoy :)

Sabi nya Bakit daw ang mga Catholic nag ssign of the cross? Para san daw? Bakit daw may iba na mali mali? (mali ng direction at yung pag point sa baba dapat daw sa dibdib yun.) Nung unang panahon daw ang mga tao bilang pag bibigay galang sa ginawa ni Hesu Kristo, nagdadala sila ng Rosaryo at yun yung hinahalikan nila. Kaso dahil sa ang mga tao ay malilimutin, para di nila malimutan yung rosaryo, Once na naaalala nila or napapadaan sa simbahan yung kamay na lang nila ang gumagawa para mag sign of the cross sa body nila. Yun nga lang sa pagdaan ng panahon, mali mali na ang sign of the cross. Halos kalahati sa’ten kung san san napupunta yung Direction ng Cross, sa baba, sa tyan etc. eg (di na po counted yun kailangan na ulitin :) ) Halos ang lahat din ay hindi alam kung bakit ba ginagawa yun. Para saan? Kaya ang iba na sapagkat Katoliko rin ay ginagaya na lang kung ano ang ginagawa ng mga kapwa Katoliko. Medyo nakakalungkot isipin. Ang meaning o Symbol ng Cross ay ung pataas  ↑ patungo kay God (sa kabutihan) pahalang pagyakap it symbolize many things like pagyakap kay God, sa kapwa, sa kabutihan o pagmamahal etc. Ang bawat bagay kasi na ginagamit naten ay may simbolo, at hindi basta basta na lang. :)

Ang Binyag. Ito’y mahalaga sa lahat ng Tao. Ito’y nag huhugas sa’tin sa mga kasalanang ginawa nila Eba’t Adan. Ang Binyag ang tanda ng pagsisimula ng pamumuhay Kristiyano ng inyong anak. Ito rin ang number one Stepping Stone para maging ganap na Katoliko at makumpleto ang 7 sacraments. Parang hindi ka tao pag di ka bininyagan, I mean di ganap na tao. Halos lahat naman ng religion may binyag, iba iba nga lang. Sa Born Again sa Swimming Pool sila binibinyagan diba?.Sa Jehovah naman nilulublob sa Tubig? Acc. sa Friend kong Jehovah. Kahit nga diba sa simpleng bagay lang binibinyagan din. Bagong sapatos binibinyagan. Nagbibinata tinutuli. Bagong Damit nilalabahan para bago isuot malinis. Ganun din sa  tao. Kase diba may mga sanggol na nabuhay sa kasalanan Hal. Anak nito sa kabet nya, Anak nya to dun sa gumahasa sa kanya. Wala namang talagang  kasalanan ang baby, dahil wala namang muwang un, pero dapat paring binyagan. tska dahil sa ito’y bunga ng kasalanan malamang ay naipasa ito sa kanya. Lahat ng kasalanan maliit man o malaki basta involve yung baby parang nagmumukang masama. Kaya nga dapat pagkatapos na isilang yung bata binibinyagan na. Yung dati binibinyagan ang mga tao kapag malaki na, o di kaya yung malapit ng mamatay. Kase nga once na bininyagan ka, lahat ng kasalanan mo burado na. Back to Zero ka ulit. Ganun daw un. Ito rin daw ang susi para makarating ka sa Langit. Kasi natatakan ka na ng Diyos bilang Anak nya. Di ba nga? May kinuwento samen si Ate na pag namatay ka na haharap ka sa Judgement Day. Like Tatanungin ni God kung nagawa mo ba yung lahat ng mga Assignments mo sa lupa? lahat kasi ng bagay na nakatoka sa’ten pagdating ng araw irereport naten kay God. Ultimo yung responsibilidad mo bilang isang Ninang/Ninong dapat magawa mo rin. Kasi ang Ninong/Ninang ay di lang yan basta basta na responsibilidad mo na bigyan ng pera sa pangangailangan o bigyan ng regalo ang Bata tuwing Birthday, Pasko o Bagong Taon at anumang okasyon na meron. Although part din ito nun, pero kasi ang Ninong at Ninang ay ang maging part din na parang Magulang ng Bata. Yung andyan na handang sumalo sa mga pangangailangan ng bata at sa mga responsibilidad ng mga Magulang dahil ang Ninang/Ninong ay Pangalawang Nanay/Tatay ng Bata. It means na kailangan na masubaybayan mo sya habang lumalaki. Nagagabayan, natuturuan ng tama maging mabuting ihemplo o magulang at syempre naaalagaan din, hindi kung kailan mo lang gusto tska mo lang pupuntahan o aalalahanin. Hindi rin tama yung tataguan mo lang dahil sa umiiwas ka sa mga maaaring magastos kung sakaling kulang ng Support sa Pera. Kahit na wala kang pera hindi naman excuse yon para di ka magpakita. (Ano yun sa Pangalan lang? Bakit ka pa naging Ninong/Ninang diba? ) Kung di mo kaya yung Support pwede namang bumawi ka na lang sa Moral Support sa Magulang, baka kailanganin ka nila. Pero kung sa tingin mo talaga hindi mo kayang Punan yung mga responsibilidad bilang Ninang/Ninong e wag mo na lang ipilit, pwede ka namang tumanggi bilang Ninong o Ninang. Wala naman sigurong masama. At kung di mo rin kayang maging mabuting Ninang/Ninong, e wag na! dahil kaya ka kinuha ng mga Magulang nya na Pangalawang Magulang niya dahil sa alam nilang hindi ito mapapasama sa’yo at para tulungan silang mapabuti yung bata. Wala namang  Magulang ang gustong mapasama ang Buhay ng mga Anak nila. Ang mga Bata dapat lumaking may pananamplataya at may takot sa Diyos. Tuwing Linggo dapat na nagsisimba lalong lalo na sa mga Ninong/Ninang at mga Magulang. Dahil kung anong nakikita ng bata sa mga matatanda ay yun ang Tama. May 7 na araw, Anim dyan ang pinagkaloob sa’ten ng Diyos para gawin ang gusto naten. Ang Isang Araw ay nakatakda para lang kay God, hindi pa buong araw yun diba? Isang Oras lang hinihingi ni God, nakakahiya naman kung hindi pa naten ibigay diba? Saglit lang San ba nanggaling yung 7 Days na yan? at Bakit 7? ..  Meron kasi tayong tinatawag na Universal Law of Seven in every Facet of its Existence at yung mga yun ay may History

Si God kasi lumikha ng mga Archangels Para maging Messengers ni God (Angels) 8: sina Gabriel, Samael, Raphael, Sachiel, Aniel, Cassiel and kabilang na si Sataniel who known as Satan and a Fallen Angel. Silang mga Angels ay may mga tungkulin. Ngunit isa sa kanila, si Satan bagamat alam nyang Makapangyarihan si God and even Stronger than him kaya ayun! nainggit sya! Nganga! nagrebelde sya, at dun na nagsimula yung sinisiraan ni Satan si God, nagpapalaganap ng mga kasamaan, mailayo yung mga tao kay God at gumawa ng sarili nyang Kaharian called Hell. Gusto nya kasi na sa kanya sumama yung mga tao to prove na mas makapangyarihan sya kay God. Inggit! Ang paniniwala nya may kahinaan si God at Gusto nya na sya makatalo kay God. Dahil dun, wala na sa kaharian ni God si Satan and  he was never be an Angel but the Demon!. Kaya naging Seven na lang. Nung ginawa ni God ang mundo Itinalaga nya itong pabantayan sa mga Angels nya. Andyan kasi sa paligid si Sataniel. At yun nga Isa na sa mga nabiktima ni Satan sina Eba’t Adan, Satan bilang Ahas.

Ginawa ng Diyos ang Unang Araw (Monday)- Liwanag at Dilim / Archangel of the Day: Gabriel Angel: Gabriel  Pangalawang Araw (Tuesday) - Langit / Archangel of the Day: Khamael Angel: Samael Pangatlong Araw (Wednesday)- Lupa, Karagatan, at Halaman / Archangel of the Day: Michael Angel: Raphael Pang apat na Araw (Thursday)- Araw, Buwan, Bituin at Panahon / Archangel of the Day: Tzaphiel Angel: Sachiel Panglimang Araw (Friday)- Tubig / Archangel of the Day: Haniel Angel: nael Pang anim na Araw (Saturday)- Tao, Hayop sa Lupa / Archangel of the Day: Tzaphiel Angel: Cassiel Pangpitong Araw (Sunday)- Sabbath / Archangel of the Day: Raphael Angel: Michael

Bale si St. Michael the Archangel nga pala yung tumalo kay Satan. Alam nyo ba! yung sa may Logo nung San Miguel Beer kung napapansin nyo, nakalagay dun yung pagtutok ng Tinidor ni St. Michael kay Satan (lels tinidor talaga? :P eh anu ba kasing tawag dun? basta kung ano man yong Anek na malake na un) Well bakit nga kaya no? Tingin nyo?, dami dami naman kasing Logo eh, pero di ko sinasabe na wag yon a! nakakapagtaka lang kasi tas di pa related.. Hmm..

Ok back to topic sa una. Isa rin sa mga bagay na pwedeng Assignments mo e ang mga Unfinished Business natin, dapat pulido na. Isang mahalagang dapat nyang makita ay kung nabubuhay ba tayo sa Tama? kung mabuti ba pinag gagawa naten habang nabubuhay pa tayo? May pagmamahal sa kapwa? Baka kasi di naten Deserve  pumunta sa Langit? Baka mas deserve nating pumunta sa dilim dahil ang kasamaan ni Satanas ang ginagawa naten? hindi naman siguro tayo kampon ni Satanas diba? Wag naman!!! Sapat ba yong hindi ka pumatay ng tao para masabing karapat dapat ka? Alam mo ba Acc. kay Ed at Sister may mga bagay na di mo alam nakakapatay ka na, di ka lang aware, mahirap din pigilan. Alam mo ba Once na Tumingin ka ng Masama sa isang Tao e parang pinapatay mo na sya, Once na minura mo ang isang Tao e pinapatay mo na rin sya. Kasama na rin yung mga words na masasakit. Once na nasaktan sya it means pinapatay mo na rin sya -_- Btw pati rin pala yung mga expressions naten na pangsusuya like yung mga pangkaraniwang binibitawan naten “Put*ng In@ M*!! MotherF*ck3r!… etc. Sana rin Aware din tayo sa pagbabanggit kay God na wala namang syang kinalaman. Ano ano yun? Pagsasabi ng Dyos ko po! Sus! SusMaryoSep ( Hesus,Mary,Joseph) God Dammit! Oh My God! Oh Lord! Lord Gaga pwede na ren hehe. sino ba nagpauso ng mga gantong words’?! mga Atheists ba? Tsktsk. Love people, Love your Neighbors not love your Neighbors in a Romantic Way lol. Nangangapit Bahay hindi Sumakabilang Bahay Amp.! hehe. -10 Commandments.

Syempre ang pinakamahalaga sa lahat! Dapat Kilala naten si God, bilang ating Nakataas. Kinikilala’t sinusunod higit sa lahat. Di lang sa Pangalan dapat bilang sa gawa din. Kasi tayo, Kawangis tayo ng Diyos, katulad, so dapat katulad naten sya.. kabutihan ang nananalaytay sa puso at pagkatao naten. Hindi tayo gumagawa ng masama like pagsisinungaling. etc. Wala namang nakakaligtas, alam ng Diyos lahat. May Satellite kaya sa Earth! leljk po. Nakamonitor lahat yan at Isa pa hindi lang si God ang nakakakita, andyan din ang mga Angels na laging nakabantay sa’yo nung nabubuhay ka pa. :) Dyan din sa Judgement Day kung ikaw man ay makasalan, ang iyong katawan ay ihuhulog sa Impyerno kasama ng iyong kaluluwa. Kaya pala pagnamamatay ang tao e kusang naaagnas ito. Hindi pang habang buhay na buo. Tanging mga kalansay na lang ang natitira noh? Mic Check Realization101: dun pala napupunta yon hehe. Gayundin kapag naman mabuti ka, yung katawan at kaluluwa mo nasa Langit din. Oo nga pala may mga ibang tao nagtatanong kung anu bang ginagawa ng mga tao sa Langit? Simple lang, abalang abala sila sa pagsamba kay Lord God at kasama si God sa pagtamasa sa kagandahan at biyaya ng Langit kaya naman wala na ring silang pagnanais na malaman pa ang pangyayari sa lupa, isa pa lubos na di maaari ang pagmamasid ng mga kaganapan sa lupa. Yamang ding doon walang pighati, pagluha at kalungkutan.

Sa pagbibinyag may mga bagay na kasama ng Pari sa pagsasagawa nito, bilang itong lahat ay may mga simbolo.

Seremonya ng Binyag

-Tubig - Langis ng KRISMA - Damit na Puti at - Kandila

Tubig.ay sumisimbolo sa Kalinisan. Kasi tanging ito lamang ang ginawa ng Diyos na totoong malinis. Walang ginawa ang Diyos na maruming tubig, kung meron tayong nakikita ay yung nahaluan na, hindi ito natural nor original. Tubig, Ang syang naglilinis ng mga kasalanan, ginagamit sa pang araw araw. Ang syang buhay, sagrado, bukal at banal. Nuong tayo’y nasa sinapupunan pa lamang ito ang syang isang bagay kung bakit tayo nabuo. Witwiw. Pinaniniwalaan ding nuong panahon ni Hesu Kristo ay syang tanging dala dala sa paglalakbay. Sa pamamagitan ng Tubig sa Binyag ay nagiging anak tayo ng Diyos. Tatlong beses na pagbuhos ay kumakatawan sa Ama, sa Anak at sa Espiritu Santo. Ang Tubig na syang Dumadaloy sa sanggol ay nagpapakita na nababahagian ng kabutihan galing sa Diyos, dahil ang Tubig na yon ay mula mismo sa Diyos, malinis sagrado. Tunay na walang kasalanan. Isa pa kaya sinasabing napakahalaga nito ay dahil maraming dulot ito, kabilang na yung isa rin tong nakakapag pagaling ng may sakit ( Kaya sinabing buhay ) Tanging likas na yaman at syang bigay ng Diyos sa atin. Napapaligiran din ta’yo ng Tubig, Dagat! at lahat ng mga Anyong Tubig. May kwento si Ate samen. Kase daw nung nagtuturo pa sya sa UPLB marami daw syang nakikitang Fetus, Aww eww. Iniiwan lang daw kung san san sa Campus. Mabigat na kasalanan pumatay ng tao, lublob sa Impyerno ang hatid nito. Pero tayo daw pag nakakita ng baby yung buhay pa ah na iniwan lang, pwede daw tayo mag Emergency Baptism :) ano yun?

Emergency Baptism yun yung ikaw mismo magbibinyag dun sa bata. Kailangang  malinis yung tubig na ibubuhos dun sa bata. Tska mo sasabihin yung “Binibinyagan kita sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo” ganun, kasama na rin dapat yung Name nung Baby pero syempre di lang basta ganun yun, may mga gagawin pa dun na di lang basta tayo ang basta ang gagawa, dahil hindi naman tayo Pari. Dapat mong sabihin kay Father na bininyagan mo yung baby, Tas si Father na magtutuloy nun. baka kasi male Tatanungin ka ni Father kung ano ginamit mo, pwedeng sabihin lang o kaya isulat mo na lang sa Papel kasama dapat yung name ng Baby.

Langis ng KRISMA. Ang langis na Krisma sa binibinyagan ay nagsisilbing Marka. Marker Minarkahan ta’yo na isa na tayong Anak ng Diyos, ito rin ay tatak ng Pag-Ibig ng Diyos sa atin. Ang tatak ding ito’y tanda na tayo’y Tagapagmana na ng kanyang kaharian. Sa’tin nya pinagkakaloob yon, kaya nga binibinyagan kasi ito ang pagpapatunay na ganap na tayong Anak ng Diyos at magiging tagapagmana nya sa oras isabuhay natin ang pagiging Kristiyano. Tayo rin ay pinaniniwalaang nagmula sa Langis, kaya kung saan tayo nagmula ito rin ay binabalik, bilang isang marka

Damit na Puti. Ang Paglalagay ng Damit na Puti ay tanda ng bagong buhay at karangalan na kanyang natanggap mula kay Kristo. Puti- sumisimbolo sa Kalinisan Damit- ginagamit na pantakip sa katawan, pinuprotektahan din tayo sa mga bagay na lumalapit sa ‘tin, katawan lalo na sa mga sensitibong parte ng katawan   para di tayo magkasakit. Ito rin ay parang nanganangahulugan na niyayakap ang kabutihan o tinatanggap. Kapag suot parang Safe na safe di ka papabayaan ni God, para nareng mabait mga angels kase nakaputi. Dahil din sa paniniwalang ang Puting Tela ay ginamit nuong si Veronica ay lumapit kay Kristo para punasan ang duguang mukha nya. Ang Puti rin ay sumisimbolo sa Liwanag, kay God at sa Langit. Di ba si God ang naaalala na’ten sa liwanag? kapag dumarating sya, napapalibutan sya ng napakaliwanag na liwanag suot ang puting damit?, at naaalala ang Langit. Di ba nga napakaliwanag sa langit. Ang alam ko kasi lahat ng makikita sa Langit ay Puti at Maliwanag.

Pagsisindi ng Kandila. Trivia lang: Nung unang panahon daw ang mga Kandila ay mahahaba. Kase yung kandila na ginamit na yon itatabi pa yon para magamit sa Kumpisal. hanggang makarating Pag-aasawa (Marriage) pero dahil ngayon kasi pag itinatabi yung mga Kandila minsan nagagamit naten lalo na pag Brown Out lols. Bakit Kandila?, Dahil si Kristo ay “Tunay na Liwanag ng Buhay”. Hindi ang Meralco ah? :P Kaya ta’yo nandito dahil God, kaya ta’yo nabubuhay ay dahil din kay God at kaya nalalagpasan natin ang Problema dahil yon sa nag-iisa nating God. Di ba sabi “JESUS is the Way, the Truth and the Life” may kanta pa nga yan e.Maaari kang mabuhay ng walang ilaw, pero hindi Madali! ” ganun din dito. “Pwede kang Mabuhay ng wala si God kaso hindi madale”. Pano na lang kung may mabigat kang Problema diba? Sinong hihingan mo ng tulong? Oops di ko sinasabi na pag may problema lang dapat alalahanin si God ah? :P ang sakin lang, Advantage lang yan hoho. Di lang sa problema pero pag wala si God sa buhay mo parang may kulang, parang may hindi tama, parang hindi kumpleto ang saya. Kung di ka naniniwala kay God, sinong pinaniniwalaan mo? Si Lady Gaga??  Jowwk. :) pano ka napunta sa mundong to’? Tandaan mo hindi lahat ng tao kakampi mo! mahirap mabuhay sa mundo kung ni isa walang nakakaintindi sa’yo.. Iniiwan ka, pinapabayaan.. kung puro pagdurusa at pighati ang nararanasan mo. Pero yung isang tao na lagi lang nandyan Anytime and Anywhere, si God yun e! wala nang iba. Walang katulad :)  Iwan mo na lahat wag lang si God, Ang tao kaya kanilang iwan anumang oras pero si God hindi ka nya kayang iwan anu mang mangyari. never Bagkus tutulungan nya pa ta’yo sa problema naten at magbalik loob sa kanya. Kase ang Pag ibig saten ng Diyos ay Everlasting!. Pak na Pak hehe. Masaya mabuhay pag may God sa buhay mo, may mag aadvice, may Tour Guide sa tamang daan. Dahil Si God ang “Liwanag ng Buhay mo, ang kandila sa dilim.“… Sa pagsisindi nito ay pinahihiwatig ng muling Pagkabuhay ni Kristo. Pagkabuhay ng kabutihan.Pagkabuhay ng pananampalataya sa bininyagang bata.

(Sorry masyado na kasing mahaba to’ kaya hindi ko na malagyan ng realizations.. at yung Iba sa totoo lang! di ko alam kung may nakalimutan pa ako, sa dami ba nman e Tska yung iba pasensya na kung magulo o my error pa.. tinamad na din kase ko, haba kasi e hehehe nagmadali pa ako nyan, Anyway Goodluck :P)

Eto naman mga Kwento ni Ate at mga True Stories :) Wala lang gusto ko lang ishare tong mga kwento ni Ate, nakakainspire kase e.

Yung mga kwento ulet ni Ate (marami kasi syang naririnig na kwento sa mga taong nakakausap nya) Sabi nung nagkwento, nanaginip daw sya, nandun sya sa isang madilim na lugar tapos may nakita syang kandilang nakasindi, nung sinundan nya.. pataas daw ng pataas yung Kandila so nagtataka sya,bakit naglalakadun? :( then un nung malapit na may nakita daw syang maliwanag. Sobra! Liwanag then nung mas lumapit pa may lalaki daw dun sa liwanag na nakadamit na Puti at sa sobrang Liwanag hindi nya makita yung mukha. Sabi sa kanya “O Bakit ka nandito? sya daw naguguluhan pa daw, kaya hindi sya nakasagot agad, inaninag nya pa kase kung sino yun. tas yung sabi nya ”Ewan ko Sinundan ko lang yung Kandila pataas ng pataas tas napunta na ko dito, Anong lugar ba to’?” Tas tinapik daw sya nung lalaking nakaputi at ang sabi “Hindi ka dito” bigla na lang daw syang nahulog sa napakalalim na dilim.. nung nahulog sya may naririnig daw syang parang may nagbibilang. 1, 2,…. nung three na bigla daw syang napamulat, pagtingin nya nagulat sya bumulaga sa kanya lahat yung mga taong nakatingin sa paligid nya, para pa daw syang nananaginip. Nagsigawan daw ng “Hay Salamat Lord!” at yung iba napaiyak pa. Nagtaka, may nakita pa syang Doctor. yun pala nasa ICU na pala sya nun, binibilangan na pala sya ng Doctor. Yung 3 dapat huling tawad na yun e. Hindi pala yun Panaginip lang Nasa stage na pala sya ng Near Death Experience. GArabe!! Katakot noh? Arf.

Eto pa may Student daw sya sa UPLB na sabi nya s0bra sobra daw sa pagkapasaway! makulet! parang Aning. kalevel na nga daw ng GeGow e. Pero Matalino naman daw, nakakapasa naman sa mga subjects nya, yun nga lang daw yung problema mauubusan kana ng dugo. Dadame ugat mo sa bagang. Umabot na sa, nakilala nya yung Mother. (Yung name nung Student, Unique at sobrang haba HAHA. kaya hindi ko na natandaan.) Bakit daw ang sobra yung pagka Pasaway nung bata.. at sang lupalop nya daw nakuha yung name na un. Kaya daw siguro ganun kakulit yun kasi walang kapangalan na SANTO, wala daw nagdadasal sa batang yun. o yung name na nasa Bible. Kase ganun daw un, sa name daw ng bawat tao may nakatakdang Santo sa’ten na nagdadasal.Pano pa kaya sya Super Unique yung Name! nag-iisa lang ata un at seriously! parang hindi name HAHA.  E bakit hindi na lang kaya mga Ñino, Emmanuel, Domingo, Magdalena, Barbara etc HAHA. pero masyado naman atang oldies basta maganda kumuha na lang sa Bible pra bless :) 

May nakwento rin sya yung daw story nung kakilala nyang Protestant. One day Isang araw daw nagbabyahe sila with the whole Family sa isang HighWay na overspeeding ata. (ewan ko kung san baka sa SLEX) hindi daw nalock yung pinto sa likod ng Car, ewan ko kung panong nangyari ,sa sobrang bilis bumukas daw yung pinto, yung Baby sa likod lumabas tas ayun paikot ikot daw (mga Sampu siguro,) e ang layo na ng kotse sa sobrang bilis and di agad napansin, kung di lang kumalabog. Huminto na yung kotse pero anlayo ng nung Baby, so tinakbo nung tatay yung Baby.. habang sya, kinakabahan (baka kasi nagkasugat sugat na yon o kaya namatay na diba? ilang beses ba naman gumulong tas tumilapon na lang bigla.) Pero may napansin sya.. o.O may nakahawak na babaeng nakaputi dun sa bata, tumingin sa kanya na nakangiti sabay sabi sa kanya “Alagaan mo yung Baby mo ha?” then binigay na yung bata. Nung kinuha nya, agad nyang tinignan (kinakabahan sya baka napano na,) tas nagulat sya nung nakita na wala man lang kagalos galos yung bata at para parin syang natutulog, parang walang nangyari ganun. Magpapasalamat nga sana sya dun sa Babae kase laking utang na loob nya na dahil sa kanya naligtas yung Baby, pero paglingon nya bigla na lang nawala yung babae, hinanap ng tingin nya pero wala talaga. Dun nya nalaman na Angel pala yun. Sabe ni Sister, nagpa convert daw yun sa Catholic.

Pero ito yung friend ko naman nagkwento, dati pa to’ nung nag-usap usap kami tungkol sa mga Religions chika chika. Born Again kasi yon ako naman Roman Catholic. Sabe nya. darating daw yung araw na puro masasama na mga Tao sa mundo. Wag naman sana noh! I hope di totoo to’ Mga Illuminati ata to’ most The Pyramid Clan Invades▲ yung mga yun daw naghahanap ng mga kasapi, kung sinong maging kasapi nila tatatakan ng 666 Pang Demonyo pero alam ko hindi naman lahat yon magiging Illuminati, pero ang gagawin nila, super pahihirapan nila mga naniniwala kay God. Ultimo yung mga tao na nga daw nagtatago na sa mga Kanal, Imburnal at Manhole. Yung iba pa nga masaklap, may Satan study pa ngang nalalaman wala!!, parang ung sa Bible Study. like yung kwento saken ni Reneth, Sa Eroplano daw.. Yung sang Stewardess daw nag offer ng Foods sa Isang Passenger. Then tumanggi yung mokong dahilan nya Nagf Fasting daw sya kay Satan. eeee ewwk. Katakot!? Biruin mo meron pala nun? TskTsk.

Ekshule!! marami pa kaming napag-usapan, kaso masyado na talagang mahaba to’ & nakalimutan ko na yung iba pa hehehehe. Pero kung gusto nyo Add nyo na lang sya sa Facebook nya para makipagkwentuhan sa kanya eto oh RFBTBH lelelels o kaya Text nyo na lang me 0906473**lololol :) Pero eto na lang yung mga iba nya na lang kwento.

Meron daw Girl na pauwi na galing work, hatinggabi na nun.. Wala syang kasama. Dun daw sa dadaanan nya (Tulay) delikado! kasi maraming nahoholdap at nararape at Nabubudol budol Gang don. Tulog na mga Tao nung time na yun kaya Tahimik na. Nung padaan na daw sya sa tulay may isang lalake daw na nakatingin ng masama sa kanya. Nakaitim na parang Adik at parang may inaabangan. So syempre sya, natatakot kaya ang ginawa nya todo todo syang nagpray kay God. Nung papalapit na sya sa may dulo ng Tulay nakahanda na sya kung sakali mang dambain sya nung lalaki pero laking pasasalamat nya nung nakalagpas sya nang tulay ng walang nangyari sa kanya. Then the other day, may nagpuntang mga Police sa bahay nya. For Investigation. Kase balita na dumaan daw sya dun sa Tulay. May pinakitang Picture yung Police, Picture nung lalaki (kung kialala nya daw ba to’) ito yung kinatakutan nya nung gabi kasi masama yung tingin sa kanya at mukhang may balak sa kanya. Sabi nya kilala nya “yung pinaghinalaan nyang masamang tao kase mukhang may balak sa kanya pero wala namang nangyari sa kanya.” pero hindi nya alam kung bakit sya tinatanong eh buhay pa naman sya. May pinakita ulit yung Pulis, Picture nung Babae, tinatanong kung kilala nya ba to o nakita nya yung mga pangyayari. Hindi! Hindi nya din alam kung para san yon! Sabi nung Police yung babae daw na yon ay namatay matapos mangholdap nung lalaki (yung nasa pic) pagkatapos nyang dumaan makalipas ang ilang minuto. Yung lalaking yon ay kilalang mainit sa mga Pulis dahil sa mga kagagawan ng mga krimeng nangyayari sa mismong lugar na yon. Napakadelikadong kung sino mang mabibiktima non. Agaw Buhay ang Peg. Nagtaka yung girl kasi yung lalaking yun din yung nakatingin sa kanya ng masama pero ang pinagtataka nya ay wala namang masamang nangyari sa kanya. o.O kinilabutan sya muntik na pala sya. buti na lang di sya napano, sya nga daw dapat yung mabibiktima nun. Pero Sinabi nung Pulis kaya daw di sya niletchon nung guy kasi nakita nya daw na may dalawang lalaking nakaputing matangkad na kasama nya. o.O dun napaisip yung Girl kasi wala naman syang kasama nun, tanging sila lang dalawa nung Serial Killer. Ang tanging alam nya lang daw ay taimtim syang nagdarasal..laking gulat nya ng biglang pumasok sa isipan nya, na nung nagdasal sya dininig pala sya ng Diyos at hindi sya hinayaang mapahamak. Ang dalawang nakaputi pala ay mga Angels! na pinadala ni God para bantayan sya. Galing noh? Impossible but yet it’s still a miracle. Katakot lang hehe. Sabi kasi lumalakas daw ang powers ng prayers kapag nag-iisa ka lang. Lalo na pag taimtim at madalas sa mga may panganib din.

May Tungkol sa Scientist naman daw na nagkwento, Isang Scientist, pero isa ring Atheist, Against sya sa paniniwala kay God at di sya naniniwala sa Hell. Yung kwento ay may new discovery syang hinahanap. (Nakalimutan ko kung ano, basta ganun kaImportante yon sa kanya, “Parang Ginto” siguro ang level ng yaman napakamahalaga naman kasi kanya nung madi Discover nya.) Ang ganap na eksena Nanlilibak ng lupa/Naghuhukay sila  yung mga nagtatrabaho ay yung mga dakilang Constraction Worker na kasama nya. Not sure kung yung gamit sa paghuhukay ay yung Dump Truck, Pala etc. o ibang mga machine na ginagamit sa panlilibak lels di ko kasi alam tawag dun sa mga iba eh . Nung malalim na, may nilagay daw yung  Scientist na tape recorder dun sa may gilid nung lupa. Tas nung ni Check nya, may naririnig daw syang maliliit na ugong na di nya mawari. Nung nilakasan nya medyo malinaw na kung anong gustong ipahiwatig. Nakakagimbal, Nakakatakot. “Ugong ng mga sumisigaw na taong Umiiyak, Nagsusumamo, Nagdadalamhati at humihingi ng Tulong at Awa.” Pinakinggan nyang mabuti, tinignan kung totoo yung mga naririnig nya. Duon nga galing yon sa Tape Recorder mismo. Nang pinag isipan nyang mabuti kung ano yung mga weirdong naririnig nya, pinarinig nya rin sa iba. Duon na sya naliwanagan at naniwala na ang mga boses na naririnig nila ay mga taong nakakaranas ng hinagpis mula sa Impyerno. Paniniwala nya, hindi na ito kathang isip lang. Ang mga bagay na hindi nya pinaniniwalan dati ay ngayon pinaniniwalaan nya na. Sa hindi maipaliwanag na pangyayaring ito diba?. Yon daw Atheist na yun, simula nuon naniwala na raw sya kay God.. sa Hell at naging Relihiyoso na. Kaya eto kinikwento nya. Tingin ko naman totoo yon eh!, kasi hindi ganun kadaling biglang maniwala yun kay God kung hindi yon totoo e. Atheist keya un. Actually may video ito sa Youtube e, search nyo na lang.Magandang kayo mismo makita yon and isa pa Maririnig nyo din dun yung mga boses na narinig nung Scientist. :) Yun lamang po. Bahala na kayo, sa mga nabasa nyo kung maniniwala ba kayo o mang ookkray lamang. hehehelels. Salamat talaga ng marami sa mga nagtyagang basahin to’ Pasensya na at mahaba. Dito na lamang po! masyado nang mahaba. Next Time na lang yung iba po! God Bless y’all! Pray Always! XD

(Source: nadinosaurs)